BLIP with me

4.19.2007

angst from a taxpayer

tomorrow, i might pay my first income tax. too bad.

these are just some thoughts on what the government says the reasons why we pay tax.

1. Infrastractures. Sabi nila, ang buwis daw ay para ipagawa ng mga kalsada, tulay, building at kung anu-ano pang mga kalokohan nila. Pero pag napunta ka sa probinsya, mag-iisip ka kung saan na napunta un pinagpapawisan mo. O kung may makita ka, bigyan mo ng mga 5 taon, sira na. Ibig sabihin, ginawa, pero tinipid. Saan napunta ang budget? Ewan. Ang hindi ko maintindihan eh kung sa buwis natin kinukuha ang pampagawa ng mga bagay na ito, bakit kailangang ipangalan sa mga pulitiko ang mga ito? Hindi nila pera un noh! Kaya tamaan na ang tatamaan. Kahit Vilmanian ang nanay ko at humahanga ako kay Claro M. Recto, pasensha, wala kang karapatan sa boto ko o ng kahit sino. Kahit kayo pa ang nag-asikaso para maipagawa ang mga building o infrastracture na yan, dapat lang, dahil trabaho nyo yan. Alalahanin nyong kami ang nagpapasweldo sa inyo. Sabihin na rin natin na kami, ang nagbibigay ng mga luho nyo dahil sa mga pangungurakot na ginagawa ng ILAN sa inyo, kung hindi man lahat kayo. At pwede kayong tumanggi kapag inalok kayo na sa inyo ipangalan ang isang gusali. Kayo ang nasa posisyon, tsaka konting humility naman dyan, dahil hindi na kayo pwedeng magpacute.


2. Sweldo ng mga nanunungkulan sa gobyerno. Pero bakit ganun? Kapag pupunta ka sa government office, daig pa ang pagong sa kabagalan? Swerte mo kung hindi ka susungitan. Kung siguro medyo mas matapang ako, baka nakipagsagutan ako sa mga masusungit na tao sa government offices at sabihin na "Pwedeng sabihin ng maayos. Eh kung wag kami magbayad ng tax?!" Sino ang kawawa? O baka siguro kasi, un dapat na sweldo nila, sa ibang bulsa na naman napunta. Sila ang kawawa. At ang mga pulitiko na tayo rin ang nagpapasweldo, bakit hindi pwedeng kausapin o lapitan ng walang dinadaanang mahabang security check? Safety nila? Kung wala silang ginawang masama, bakit kailangang matakot sila? Sa mga pulitikong, GARAPAL! Sabihin ba naman on national newspaper na kahit matalo siya sa pagkaMayor ng Makati, may 3 years pa sya sa senado, kaya WIN-WIN situation daw. ineencourage pa si Revilla na ganun din ang gawin. kahit di ako bilib ke bong, kahit papano may nagagawa un. tamaan ka na kung cno ka man. GARAPAL ka! kung naging botante lang ako ng makati, hindi kita iboboto. at ikakampanya ko sa mga taga-makati na wag ikaw ang iboto. nasaan ang SERBISYO?

3. debt servicing. ito na ata ang pinakamasakit dahil kahit siguro ung apo ng apo ng apo ko.. may utang na. bakit ba tau ang nagbabayad nito? eh kahit mga ninuno ko, hindi naman ata nakinabang dito.

4. improvement for different sectors. halimbawa, edukasyon. un pala, kaya paliit ng paliit ang budget ng mga state universities. swerte lang ng mga nag-aaral dun, dahil kahit paano, may mga dedicated pang guro na kahit maliit ang sweldo, hindi iniiwan ang trabaho.


5. budget. budget nino? ng pamilya ng mga pulitiko? na nakikipagbasag-ulo lang para mapatunayan ang kapangyarihan? eh kung basagin ko kaya ang isang bote ng beer sa ulo nya para marealize nya na kaya sya nakakapunta sa Embassy eh dahil sa sweldo ng nanay nya na posibleng galing sa tax nung taong binugbog nya. Sinong nakakahiya? At kahit may puso sya para sa PETA, tao sya hindi hayop na dapat umasta katulad ng mga prinoprotektahan nya.

Kaya siguro ngayon, naiintindihan ko na ang mga tax evaders. Bukod sa dahil malaki ang tax nila, wala rin naman napupuntahan yun eh, kungdi ang mga bulsa ng mga sakim at walang kaluluwa. At bakit tinitingila ang mga pulitiko? Tayo, mga nagbabayad ng buwis at dapat tingalain dahil tayo ang nagpapatakbo ng bansang ito. Kapag hindi tayo nagbayad ng tax, o hindi bumili ng kung anu-ano, walang tax! Umasa na lang tayo sa kamoteng nasa bakuran. :-)

At boboto na rin ako. Kahit papano, makaganti man lang sa mga tarantadong pulitiko na ginagamit ang mga katulad ko. Single, walang dependent kaya malaki ang tax ko.

Dagdag pala, dun din pala sa tax natin kinukuha ang makinarya ng pandaraya. Haay.. pati ba naman sa kalokohan nila, dinamay ang ating pera?

Kaya sa mga tax evaders, saludo ako sa tapang nyo! Dahil siguro, hindi kayo kayang banggain ng gobyerno natin. (Eh ano nga ba naman kung mawala ang PAL dahil ayaw magbayad ng buwis ng big boss nito?) Shempre, flagship carrier nga kayo kaya okei na rin, kesa naman wala.

at ung cnasabe ni kuya tuñing nung isang umaga, nagkamali lang sa mga academic records na ipinakita, sinasadya man o hindi, tinanggal na sa pwesto. eh ung bilyon na fertilizer scam o un automated machine para sa election, bakit parang hindi na issue? o cge, parehong mali. pero may mas malaking isda na lumalangoy pa rin sa karagatan.. bakit ang dilis ang napagdiskitihan?

the angst from a taxpayer.

4 comments:

etsapwera said...

Hay. Hindi nga dapat ginagamit ang tax pambayad ng debts e.

etsapwera said...

Leche.

janie wanie said...

may choice ba naman tau? well, buti nga kung nababawasan ung debts? eh kung hinde?

deejayz said...

good point. hindi ba pwedeng silang mga pulitiko na lang ang magbayad ng tax!