BLIP with me

11.12.2007

365 days ago

(written november 11, 2007, 23:15)

tonight, bigla ko naisip where was i 365 days ago. maarte lang talaga ko sa mga ganitong bagay kahit di halata. anyway, eto ang mga kaganapan 365 days na ang nakakalipas.

  • nag-aaral pa ko. oh yes, fresh last semester of my college life. naaalala ko na unang araw pa lang, tagumpay na, at andame assignment kaya naging tambay kami library at suki ni photocopier. excited na ata kami nun at halos araw-araw may picture si majo. ngayon, im a working PR girl.
  • fresh from bohol at ang aming condo, ay amin na talaga. salamat sa bingo. ang sarap ng feeling. nakatulog na kami ng mahimbing. ngayon, erratic ang pagtulog ko.
  • first blood. araw-araw kaming naglalaro at nanggago. si roncal, seatmate, cheat, chat, lahat. si joyah at tammy, ultimate seatplan ito.. sila ice, amparo at karen, tambay pa rin sa 3rd st. kahit ayaw ni cleto.. si lai bday nya, si karen, tagatawa pa rin. sila kitkat at cecil at lin, nasa kabilang side namin. namimis ko sila kasi ngayon bihira na magkita at magtext. i miss our boycotts. si trina, ayun, kumakain sa klasrum at natutulog kaya pla pinili ang sulok na pwesto. lahat halos ng class namin sa admin kaya naman tv barn and ate nena i miss. tambay ng canteen.
  • ec is priority. nagpakabusy na ko dahil time to shine. kumusta naman kasi yung sembreak pa lang nakapila na ke sr. lucilla ang proposal, midnovember pa naapprove kaya yun, sira ang plano. araw-araw follow up pero maraming mas mahalaga kesa sa akin. ngayon, natatakot na si COO at CFO kapag lalapit ako para magpaapprove ng company expenses sa PR activities. banned na din ata ako sa accounting department.
  • ang kapal ng notebook ko. masipag kasi ako magsulat. ngayon si chief na. 1gb ang sd ko. san kpa?
  • si patricia. lagi kong kasama nun, takbo dito, takbo dun. papirma everywhere, laging work at ngaragan. ginigising ko yan araw-araw kasi kung binilang ang pagkalate nya, malamang FA na sya. pero we dont talk anymore. di ko rin alam kung magkaibigan pa kami. ang bottomline ay kasalanan ko kung ano man ang mga naganap. masaya na sya and she deserves that. for whatever its worth, im proud of her.
  • nangagarap ako where will i be 365 days from now, i mean noon. di naman ako dissappointed dahil nagawa ko ang mga pangarap ko noon pero may ilang bagay na di nagawa. kasi nga didnt we almost have it all? ngayon, nangangarap pa rin ako. at nagrereminisce.

ang tanong, bakit 365 days ang araw sa isang taon?

masarap magreminisce pero stop muna.

why?

bukas na lang, gabi na.

PS: jona, sana ay natuwa ka.

2 comments:

etsapwera said...

Dahil it takes 365 days para makaikot ang Earth sa araw.

Hindi lang sulok pinipili ko Janie. Sulok na may harang pa sa harap. Di talaga ako kita. Hehe.

janie wanie said...

sorry naman! oo nga pala, dapat may harang sa harap.