BLIP with me

11.20.2007

deadlines.

ang paborito kong gawin sa buhay ko ay bigyan ang sarili ko ng deadline. wala lang.. kasi mas may naaccomplish ako pag ganun. pag open deadline, nakakalimutan ko na or relax ako. working under pressure is my one of my most loved state of mind. sabi nga ni nascel, push the limit!

dahil ke jarvik, naisip ko ilagay ang mga deadlines ng buhay ko, natupad at di natupad. (if you're having the feeling that i am being too arrogant, sorry, this is just for plain fun.)

mga natupad:

1. matapos ang elementary na meron ng 20 medals. oo, adik ako sa medals. kasi yun mga bata at nanay nun una ko nakatanggap ng medal sa buong buhay ko, tuwang-tuwa sa akin. dahil makati un medal, tinatanggal ko at sasabihin nila na wag mo tanggalin, dapat proud ka. sumunod naman ako, kahit di ko pa alam ang meaning ng salitang proud at kung bakit proud pag may medal. kaya sabi ko, paggraduate ko ng grade 6 dapat may 20 medals ako. bakit 20? kasi pag 21, ambisyosa. haha! hindi, kasi nursery, ang alam ko hanggang 20 pa lang. di pa masyado un 21 pataas, no joke.

2. mamemorize ang multiplication table pagdating ng grade 1. multiplication table at hindi finger math. ewan ko. feeling ko nun invicible pag nakakapagmultiply na walang kamay na ginagamit.

3. matapos ang elementary by 12 years old. naging sakitin ako nun grade 1, kaya natakot ako na madelay kaya binigyan ko sarili ko ng deadline.

4. chief girl scout medal scheme. sabi ko in one year, no extensions, dapat matapos ko eto. muntik na ko magextend. pero kinareer ko ang position paper kung bakit deserving ako sa award. un, ayos!

5. matapos ang college within 4 years. ang una kong course na PT ay di ko alam bakit ko kinuha, windang ako at eventually, narealize ko na gusto ko magsulat kaya nagshift ako. kasama nyan ang pangamba na malelate ako paggraduate. pero di ako nagpatalo. kumusta naman un 31 units ang load ko for 4 semesters plus the extra subjects nun summer. isang beses lang ako naging regular student sa st. paul, nung last sem ko na.

6. magkaron ng trabaho a day after graduation. eto ang isa sa mga akala ko kalokohan ko lang. seryoso ako sa job hunting, pero hindi ako seryoso sa possibility na matatanggap ako. i want to learn how to go to an interview, how to meet corporate people, how to present myself kasi gusto ko laging chillax lang. di ko akalain pagkakatiwalaan ako ng mga tao ng responsibility ng isang PR assistant. kaya nun mareceive ko ang message na "we wish to present you our job offer" after receiving my diploma, naisip ko, salamat sa deadline. natuto ako maging responsable.

7. maging regular in 6 months. ganyan naman usually sa lahat, pero kasi, my boss is a perfectionist and i didnt expect to be regularized in 6 months.

8. magkaron ng pangarap na pda on my first year working. ayan, si chief ang produkto ng pawis at puyat at antok ko.

9. matuto ng mga bagay-bagay given a time frame. lagi yan. lalo na sa mga computer issues. scripting, editing, coding... after a month, dapat alam ko na ang isang bagay.


- alam kong mga kababawan lang ang mga natupad ko. pero mababaw akong tao, simple lang pangarap ko sa buhay. matupad ang mga goals ko. iba ang pinaghirapan. may magazine article ako, napublish na sa magazine sa macau, at kahit hindi nakalagay pangalan ko, tanggal ang pagod. oo.. sabi ko dati, sana bago ako mamatay, may mapublish akong sinulat na hindi sa school paper.

eto naman ang mga deadline ko in the future:

1. get a job in new york or singapore at the age of 25. bakit new york at singapore? dahil new york never sleeps at singapore dahil pangarap namin yan ni jarvik.

2. matapos ang masters degree at the age of 25.

3. maitayo ang pinaplano kong company na may pangalan na Instincts before i reach the age of 30.

- Eto lang muna, magmeemeeting na kasi in awhile.

Lahat ng bagay sa buhay ko ang tingin ko katuwaan, kalokohan. at ang motto ko na "tawa lang ng tawa, go lang ng go" ay effective naman. minsan may sadness pero normal yun. kasi kung laging masaya, hindi mo bibigyan ng halaga ang mga bagay na nagpapasaya sayo.

i've finally learned to breathe.

No comments: