random questions (walang answers)
salamat sa haba ng pila at dami ng tao sa mrt, meron akong blog entry.
random questions ko, you can answer, just leave a comment. thanks!
* MRT (Metro Rail Torture)
1. Ilang train ba ang nagpapaikot-ikot kapag rush hour? Given naman na nagmamadali ang mga tao sa pag-uwi (sino ba ang hindi?), walang improvement. Pumunta ka sa Ayala station ng 6-7 PM kung di mo gets. Kaya ang mga tao, roundtrip na lang, sakay ng train papuntang Taft tapos di na bababa dahil yun din ang babalik sa Ayala. (TIP: Umupo sa tamang side ng babaan mo, mahirap lumabas). Kaya nakakapeste talaga yung mga taong maraming escort na pulis at wawang kapag nasa daan, sila lang ba ang nagmamadali sa buhay?
2. Bakit hinahayaan ng management ng MRT na lumabas ang animal instincts ng mga pasahero sa pagtutulukan? Meron kasing mga tao na sa kagustuhang umuwi agad, pinipilit isiksik ang sarili kahit wala ng space. Minsan, titingala ka na lang para makahinga. Kaya kung nung bata ako, delight ang pagsakay ng LRT, ngayon hindi na.
3. Bakit laging sira ang mga escalators at elevators? Hindi ko kasi maisip kung bakit di yun napapagawa, eh kumikita naman siguro ang MRT sa dami ng pasahero at sa dami ng ads!
* TAX
Bakit karamihan ng tao sa government offices at agencies, masusungit? Pag tumawag ka naman, pagpapasa-pasahan ka lang. At bakit kapag nangyayari sa akin yun, nawawala yung tapang ko at nagwawalk out ako, kung pwede ko naman sabihin, "Di ba, tax ko ang nagpapasweldo sayo?" Kung tutuusin, pwede natin yan sabihin sa mga leader di ba? No choice naman tayo, pagdating ng sweldo, nakaltas na yung tax. Lumang tugtugin na ang issue na to. Pero bakit kapag gusto natin makausap kahit sandali yung mayor, congressman, governor, etc., palagi silang walang time eh di ba, responsibilidad nila na pakinggan tayo? Dapat tayo ang boss, senyora, madam nila. Hindi yung parang tayo pa ang nagkakandarapang lumapit para makapicture, makakiss sa kanila.
* MAGNANAKAW (small, medium, large scales)
Wala daw pinagkaiba yung magnakaw ka ng isang pirasong candy sa isang paketeng candy, kaya siguro karamihan, go for the gold, LARGE SCALE na, now na. Nagnakaw ka pa din naman, pareho lang. Pero hanggang ngayon, paano napapakain ng mga snatcher, holdaper, kidnaper ang mga anak nila knowing na may tinapakan sila. Dalawang beses ko na ipinaubaya sa mga magnanakaw ang celphone ko, kahit sweldo ko lahat pinambili ko sa mga yun kasi kahit pano, 'grateful' ako na hindi ko yun kelangang gawin para magkapera. Pero pano naman yung iba na walang-wala talaga?
Siguro minsan, mali din na mabilis tayong magpatawad at makalimot. Kaya siguro carry lang ng mga 'trapo' na magnakaw dahil alam nila na makakalimutan din natin agad ang mga kasalanan nila, kaya nga karamihan, narere-elect pa! Wala silang pakialam kahit kakabit ng pangalan nila ang salitang 'sakim, abuso, ganid' at di nila naiisip na paglaki ng mga anak nila, habang nag-aaral sila ng history, sasabihin ng teacher na 'so and so, which happens to be your lolo or lola, is known to be the most corrupt leader of this nation' at ang mga pinoy, mahilig sa connection kaya pustahan, ang apo na yun, mag-iisip kung magiging proud dahil nasa history ang lahi nya, o magwiwish na sana matunaw na lang sya.
* REALITY SHOWS
Aliw manood ng reality shows, lalo na nung earlier days na alam mong REALITY at hindi scripted ang mga kwento.
Nakakainis yung mga contestant na sasali tapos pag may inutos, magrereklamo. Unang-una, hindi naman sila pinilit na sumali dun, sa dami ng pumupunta sa audition, swerte mo nakasali ka di ba? Kung sa tingin mo macocompromise ang values mo, walk away but you can't complain kasi dapat alam mo na yun bago ka sumali.
Yung mga over sa pagkaOA ang pag-arte. Di ba ang reality, yung natural lang? O baka ang definition nila ng reality eh larger than life dapat ang acting?
* KEEP YOUR PRIVATE LIFE, PRIVATE (?)
Kung public figure ka, by choice o hindi, dapat alam mo kung kelan gagamitin ang sentence na, "I want to keep my private life, private'.
Example, pupunta ka sa isang bar, public place at may kasama o ka-date kang public figure din, tapos medyo ang public display of affection nyo ay beyond 'friends', masisisi mo ba kung mag-isip ang mga tao kung may relasyon kayo? Kasi kung gusto mong itago yun, hindi ka pupunta sa public place para iparada ang sarili mo. Tapos hihirit ka ng, 'amin na lang yon?'. Lalo na sa mga artista, gusto nyong tangkilikin kayo di ba? At pag tinangkilik na kayo, pakipot kayo sa pagshare ng mga nangyayari sa inyo, kawawang mga tagahanga.
itutuloy...
2 comments:
bkt ang mga tao once nakasakay na ttigl na sa bungad..kahit na mtgal pa clang lalabas..kya wla lalong makasakay..pansinin na masikip sa harap sa gitna maluwag kya konti ang nakakapasok
iya tupas: jan ako bwiset na bwiset
tpos NR ung mga tao sa loob.hello ang luwag nyo kya..
isa pang comment, wag kang sasakay sa MRT kung naiinis ka kpag nabubungo ka..mag taxi ka na lng kaya.. masikip tlga kya d un cnasadya, kya wag mo awayin ung makakabungo sau dhil di nman nila un cnasadya.. at dun nman sanakakabungo, ingat ingat nman.. ska kung mahuhulog kau wag nman bsta makapitan lng.. naexperience ko na yan hinatak ung ears ko at kung nagkataon nakadangling ako, wla na ko ears ngaun.
tama! sa last station sila bababa, pero first station pa lang, nasa pinto na! waahahahahaha
Post a Comment