BLIP with me

7.04.2007

may masulat lang

isa sa mga araw na wala kang ibang masasabi kundi, "may masulat lang"

noong nag-aaral kami, simula elementary, laging may essay. sabi nila, magaling daw ako magsulat. sabi ko naman, depende sa mood yan. pag ok, maganda ang resulta, pero pag di ako ok, gagawin ko pa rin naman, paki-edit na lang, may masulat lang.

nung creative writing namin, kelangan gumawa ng sonnet at villanelle. mas madali un villanelle kaya mas matino un ganun ko, ang title nga nun, "the cold black coal" na ikumpara sa sonnet ko na "a warrior's defeat". ang dami na kasi ginagawa nun, kaya kesa walang maipass, at dahil ayokong love ang theme ko sa poetry reading, ginawa ko pa rin, may masulat lang.

proud ako dun kahit pano, dahil binasa pa un ni ms. a kahit di nya maexpress un revisions na gusto nya. ako rin naman, di ko nga maintindihan ang message na gusto ko sabihin. basta, tungkol un sa katotohanan na hindi lahat, nakukuha ng isang tao. kaya ang last line, "if in a battle, a warrior may fall; valor is seen on how he took the call." supposedly, para sa isang kaibigan yan, dahil sa dami ng hindi kagandahang pangyayari sa buhay nya lately, pero ang gulo na din kasi ng mundo ko nun. kaya yan ang resulta, may masulat lang.

mga essay sa 2 job applications na inaplayan ko. dun sa una, na trabaho ko na ngayon, meron na sa jobstreet, sa actual test, meron pa uli. habang nasa loob ako ng conference room ng future office ko nung mga panahong yun, ang lamig at manipis ang top ko. resulta, brain freeze. at dahil matagal na kong di nakakapagtake ng mga IQ Exams, dahil ang last ata ay entrance exams pa, sobrang saya ko! Binuhos ko lahat ng energy ko sa mga IQ test at numbers at math sequence tests, hanggang sa marealize ko, argh! 10 minutes na lang para sa dalawang essay na feeling ko importante dahil ang trabahong inaapplyan ko, malaki kinalaman sa writing. wala na ko choice, may masulat lang.

un pangalawa naman, essay din. pero dahil alam ko nun na tanggap na ko dun sa unang application, di na gaanong seryoso. mukha pang bodega un office at ang layo men! nakakahiya naman umalis, kaya un, tinapos ko, may masulat lang.

pero hindi naman laging may masulat lang. at wala ni isang pagkakataon na ginawa ko yan sa trabaho ko ngayon dahil hindi na tama at makatarungan yun. dahil sa trabaho ko, kinausap ko ang sarili ko at sinabing hindi pwede ang dating gawi na may masulat lang. dapat laging creative at nasa mood magsulat kahit wala. sana, shape-shifter na lang ako. pero mahirap talaga magsulat kapag malamig dahil ang utak ko may kaartehan, nabrabrain freeze. para mainitan ako, pwede uminom ng kape, pero medyo iniiwasan ko na yun for health concerns, pero mamili ako, matanggal sa trabaho dahil di nagsulat o uminom ng kape, ang labo! isang patunay ng may masulat lang.

naging seryoso ako sa blogging nun nagtrabaho ako kasi maghapon ng online. isa na rin sa paraan upang di mahuli sa mga pangyayari sa buhay ng mga kaibigan lalo na dahil kakagraduate lang namin. effective naman. dito na lang kami nag-uusap dahil nakakatamad magtext o mag-usap sa phone. dahil nga maarte ang brain ko, nagsusulat ako ng random thoughts na sa vocabulary ko, ay english version lang ng may masulat lang.

at un na.. umunlad na ang blog na ito. marami na rin nagbabasa, based sa traffic reports ng HiStats at nakakatuwa naman. minsan nakakatuwang isipin na ang blog na ito ay produkto ng utak na laging nagbrabrain freeze pero nagpupumilit mag-isip at humanap ng mga angkop na salita para ipadama ang gustong sabihin. nakakatuwang isipin, na naubo ang blog na ito dahil sa katamaran ko at prinsipyong, may masulat lang.


No comments: